Karanasan ko, Alaala ko.

Bb. Gelian Hanopol 7 Wisdom-B  

       Bawat isa sa atin ay may mga karanasan bilang isang mag-aaral.

        

        Ako ay isang bagong estudyante sa Holy Cross College of Carigara (HCCC). Mayroon akong mga karanasan bilang isang bagong mag-aaral sa ika-pitong baitang. Noong una kong pagpasok sa paaralan na ito noong ika-14 ng Agosto 2023 ay magaan ang aking pakiramdam, wala akong naramdamang kaba. Nakita ko ang mga tao sa aking paligid na nagkakatuwaan dahil ito ang unang araw ng pasukan. Ako ay natuwa at naaliw dahil nagpatupad ang paaralan ng Welcoming Activities para sa unang semana ng mga mag-aaral ng Holy Cross. May mga nagpatugtog ng banda, may mga nagpakita ng kanilang mga talento tulad ng pagsayaw, paggawa ng poster, pagsulat ng sanaysay, at marami pang iba. Natuwa rin ako sa mga naganap na palaro. Kami rin ay nilibot ng mga guro sa paaralan para makita namin ang ganda nito at para malaman namin ang iba't-ibang parte ng Holy Cross.

 

          Tuwing Lunes naman ng buwan ng Agosto ay nagsusuot ang mga lalaki ng barong tagalog at naka-kimona naman ang mga babae para ipakita ang pagrespeto sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Sa pangalawang semana ng pasukan ay doon na kami nagkakilala ng lubusan ng aking mga kaklase. Mas nakilala ko rin ang mga guro. Sila ay mababait at napapatawa pa kami sa oras ng klase. Nakakatuwa dahil hindi sila madaling magalit kapag kami ay nagkakamali at kapag may mga nagawang bagay na hindi sinasadya. Sa mga kaklase ko naman ay mabuti ang trato nila sa akin, sila ay mababait. nakakasama ko rin sila tuwing bumibili kami ng pagkain sa canteen, sa pagkain tuwing lunch time ay nakakasabay ko rin sila at sa pag-uwi tuwing hapon. May mga oras na kami ay nagkakasiyahan at nag-aasaran.

          

                Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, kami ay bumili ng mga materyales at nagtulong-tulong sa paggawa ng mga bandaritas, paglagay ng mga disenyo sa aming silid-aralan, at sa pag-ayos ng mga upuan at lamesa para sa darating na Pista sa Nayon. Kami ay nagkakatuwaan habang ginagawa ang mga bagay na ito.

 

                Masayang tignan ang  mga tao habang nagtutulong-tulong, nagkakasiyahan, at nagkwekwentuhan.

                

                Hindi ko masabi kung gaano ako nag-enjoy bilang isang bagong mag-aaral dahil marami agad akong naranasang masasayang alaala na hindi ko malilimutan.